Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Wednesday, October 16, 2013

My Jalandoni Series... (Chapter 2... Hot... and ... Cold)



Super-bilis ng update no?

A Shoutout to Brix sorry di ko yata natanggap text mo, text ka ulit para masave ko # mo. Hi din kay Lan at Sebastian
----------------------------------

Mas madalas na kapag nag-aaral kami ni Rod ay sa kwarto lang. Nakahubad. Magkayakap.  Kung kelan kami inaabutan ng landi at libog e di na namin mabilang.  Pero ansarap talaga ng ganung pwesto, kahit may aircon e nag-iinit ang mga katawan namin kahit nakahubad.


"Gel... mahal mo ba ako?" paglalambing nito minsan.

"Oo naman. Bakit mo naman naitanong yan?"



"Pero di ba kamakailan lang e nagkabalikan kayo ng boyfriend mo na si Jan, at naging kayo nung Kuya Paolo mo?  Sino mas mahal mo sa amin?" malungkot ang mata nito.

"Siyempre ngayon, ikaw na.  Iba naman kasi yung sa amin ni Jan at Kuya Paolo.  Nangyari naman mga iyon sa ibang panahon.  Hindi naman importante kung sino ang mas minahal ko or pinakamahal ko noon, importante sino ang mahal ko ngayon." paliwanag ko dito sabay yakap sa kanya.

"Paano kung balikan ka nila?" tanong ni Rod.

"Di na yun. Hayaan na natin sila. May kanya-kanya na silang buhay.  Pareho silang may ginawang nakasakit sa akin. I don't think kaya ko pa silang balikan."

Niyakap din niya ako.

"Kaya nga ayokong maging tayo dahil baka saktan mo rin ako.  Or worse ikaw ang masaktan ko." sabay hawak ko sa mukha niya.

"Sinaktan na ba kita?" tanong nito.

"Ikaw oo..." sabay hawak ko sa ari niya. "Ito palagi akong sinasaktan."

Tumawa siya.

"Pwera biro nga... ano? Nasaktan ka na ba sakin?" tanong uli nito.

"Hindi pa naman. Pero naghahanda na ako. Baka lang sakali." biro ko dito.

"Ah ganun ha? Lika dito. Gusto mo masaktan? Ito gusto ko suck-tan mo ako... hahaha. Gets mo? Suck..." sabay hawak sa titi niya. "...tan"

Ngumiti lang ako sabay subo ng ari niya.

-----------------

"Kumusta naman ang buhay mag-asawa?" bati sa amin ni James sabay akbay sa aming dalawa.

"Bakit? Gusto mo sumali?" biro ni Rod.

"Di na uy... papakamatay na lang ako." sabi nito.

"Hahaha... Masarap kaya buhay mag-asawa. Tingnan mo ako palaging nakangiti." sabi ni Rod.

"Palaging nakangiti e nagiging antukin naman kayong dalawa." puna ni James na nakangisi. "Ewan ko ba sa inyo. Bakit di niyo tantanan yan.  Kailangan ba oras-oras?"

"Bihira naman e. Di naman araw-araw." sagot ko ring pabiro.

"Ah ewan ko sa inyo. Napapansin na kaya kayo nina Maam na napapaidlip sa klase. Kinausap na nga ako e. Kasi daw ako ang kaibigan niyong dalawa."

"Sorry tol ha?" sabi ni Rod dito.

"Basta bawas-bawasan niyo na yang kalibugan niyo ha? Please lang." asik ni James na medyo galit na.

"Sige po Kuya James. Sorry na po." sabay ngiti ko dito.

"Oo na." sabay gulo nito ng buhok ko. "Alam niyo namang para ko na kayong kapatid na dalawa e."

"Oo na, bawal na drama. At malilate na tayo." si Rod.

Bago kami tumuloy pumasok sa building ay napalingon ako.  Nakita ko na naman ang kotseng nakita ko ilang beses na.  Pagkalingon ko ay sabay umalis ito.

Iwinaksi ko na ang isip ko dito.

----------------

Huwebes ng tanghali ay naglalakad ako pauwi.  Di ako masamahan nina Rod at James dahil may gagawin din sila sa kani-kanilang bahay.

Ansarap ng hangin, ansarap maglakad.  Naisip ko magtipid ng isang ride at lakarin papunta sa susunod na sakayan.

Naglakad-lakad ako nang mabagal at ineenjoy ang bawat punong nakikita.  Biglang nagbago ang isip ko.  Sumakay ako ng jeep, bumaba ako ng Museo Iloilo.  Sa harap noon ay may malawak na park.  Doon ako pumasok at naghanap ng pwesto malayo sa mga tao.  Ayoko rin ng lilim dahil gusto kong ramdamin ang sinag ng papalubog na araw.

Kinuha ko ang sketchbook ko sa bag at sinimulang isketch ang park at mga naglalaro doon na mga bata.

Nang medyo dumidilim na ay sumindi na ang mga ilaw sa park.  Kasabay ng pagsindi nito ay ang paglitaw ng anino sa tabi ko.

Napalingon ako.

Nakita kong may nakatayo na palang lalaki sa likod ko.

"I'm sorry, did I startle you?" sabi nito.

"Medyo. Nakakagulat naman kasi." sabay ngiti ko dito.

"Sorry. Naaliw lang ako sayo.  Masyado kang seryoso sa ginagawa mo kaya di na kita ginulo.  Nanunuod na lang ako from behind."

Ngumiti lang ako sa sinabi nito.

"May I sit?" sabay muwestra sa space sa tabi ko.

"You may.  Public place naman to eh." sabay ngiti ko dito.

"Yup, public place ito but I don't want to invade your personal space." ganting ngiti din nito.

"Kanina ka pa ba nakatayo sa likod ko?" tanong ko.

"Hmmm, let's say about 15 minutes or so."

"Ano? Buti di ka nangawit." sabi ko.

"Medyo lang. Pero I don't mind. Nag-eenjoy ako sa ginagawa mo."

Umihip ang hangin at may dumikit na dahon sa ilong ko. Tinanggal ko ito.

Bigla siyang napangiti.

"Bakit?" tanong ko dito.

"You have... something on your nose." sabi nito.

Siyempre pinunasan ko uli iyon.

Mas lalo siyang tumawa.

"You realize you have charcoal stuck on your fingers right?" sabi nito.

Tiningnan ko ang kamay ko. Natawa ako.  Oo nga pala, pag nagsisketch ako ay sinasmudge ko iyon gamit ang daliri ko.

"Here let me." kumuha ito ng panyo at pinunasan ang ilong ko.

Kinuha niya ang nakasabit na mineral water sa bag ko at binasa ng konti ang panyo niya sabay punas sa sa ilong ko, pisngi at pati daliri ko.

Nakakatuwa nga ang ginawa niya pero hinila ko ang kamay ko.

"Sorry, nakakahiya na yan. Ako na lang." sabi ko.

"Panyo ko to eh. Pag hiniram mo, lalabhan mo at ibabalik mo pa sa akin." biro nito.

"Okay lang. Ibabalik ko sa'yo." sabi ko.

"Then I will need to get your number." sabi nito.

"Bigay mo na lang yung sa'yo. Ako na lang magtetext." pilit ko na nakangisi.

"Nope. It's my handkerchief. Baka di ka magtetext e di hindi mo na maibalik yan." biro nito.

"Aba. Pwede ba? Gusto mo bilhan na lang kita bagong panyo ngayon." balik biro ko dito.

"No. May sentimental value sa akin ang panyo na yan kaya di mo pwedeng palitan ng iba yan." sabi niya.

"Ah talaga? Sorry. Pinunas mo pa sakin. Sorry, di ko naman alam na may sentimental value sa'yo to."

"It's okay. Kung di ko pinunas sa'yo, e di hindi yan magkakaroon ng sentimental value." sabay ngiti nito ng pagkaganda-ganda.  Lumabas ang braces nito sa babang ngipin.

Tinitigan ko siya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"May nakalimutan pala ako. Magrereview pala ako." paalam ko dito.

Sabay niligpit ko ang sketchbook ko. Inilagay ko sa loob ng bag ko ang box ng charcoal pencil. Sabay tayo na ako.

"Sorry ha? Kailangan ko na talagang umalis." paalam ko uli.

"Wait... Number mo." sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya.

"Para sa panyo ko." dugtong nito.

Binigay ko rin ang number ko.

"091673425**" sabi ko. (Hulaan niyo last 2 digits ng number ko nung highschool ako. Hahaha)

Ngumiti siya habang nilalagay sa cellphone niya.

"Got it. Hintayin ko panyo ko ha?" sabi nito.

Napangiti ako.

Panyo nga ba? What a nice pickup strategy Kuya.  Bahala ka kung magtetext ka. Tutal nasa iyo ang number ko so di ako obligado magtext.

Sumakay na ako ng jeep pauwi sa bahay.  Nakangiti. Anlandi ko. Pero siyempre kahit masyadong assuming man, nakakatuwa lang ang technic na ginamit niya.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09167719273.  Thank you.

1 comment:

  1. Hahaha! Ayos ang strategy ni Kuya. Magamit nga minsan. :)

    Sino na naman kaya tong bagong guy na to? Hindi man lang nagpakilala haha. Update soon Kuya Gel!

    - Seb x

    ReplyDelete