Copyright

myfreecopyright.com registered & protected

Tuesday, May 20, 2014

My Jalandoni Series... (Chapter 6... We End Some... We Start Some)


Whew. First post for the year pala to? Nice. ANyway, sorry sa matagal na di namansin o nagparamdam. Sobrang dami ko lang na pinagdadaanan and I hope I can get over this soon.

Well, huwag na nating patagalin, ito na ang aking bagong chapter. =)

Love you all.

=======================================

"Gel..." panimula ni Ryan.

Tiningnan ko lang siya habang nakaupo kaming dalawa sa bench malapit sa Science Building.  Nasa malayo naman ay nakaupo sina Rod at James. Titig na titig si Rod sa amin. Animo'y galit o nag-alala na di ko mawari.

"Ry..." sabi ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin.

"Sa totoo lang..." panimula ko. "Di ko na nga matandaan bakit tayo nagkalabuan e. Pero kung ano man yun, pwede bang kalimutan na lang natin 'yon?"

Tahimik lang siya, parang nalungkot.

"Sorry. Pero andami lang talagang nangyayari sa buhay ko lately at ayoko nang pagtuunan pa ng pansin ang mga bagay na nakalipas na.  Hindi sa gusto kitang alisin sa isip ko. Pero gusto ko nang bawasan ang mga masasamang nakaran sa buhay ko.  Masyado nang mabigat para pagtuunan ko pa ng pansin.  Baka pag nilaliman ko pa ang mga problema ko e sumabog na ang dibdib ko."

Hinawakan niya ang kamay ko.

Hinila ko naman ang kamay ko.

Sa malayo ay nakita kong tumayo si Rod. Saka umupo.

Tumayo na rin ako.

"Ryan, don't worry, I can be your friend or special friend pero hanggang dun na lang.  Di tayo pwedeng mas higit pa doon." huling sabi ko sa kanya.

"Gel..." tawag niya sa akin nung tumalikod na ako.

"Oh?"

"See you around." sabi nito.

"Yup." sabay ngiti ko sa kanya.

Tumayo siya para yumakap sana sa akin pero pinigilan ko siya.  Itinaas ko ang kamay ko at sumenyas na shake hands na lang kami.

Ganun nga ang ginawa niya at nagkamay kami bago maghiwalay.

Naglakad ako palapit kina Rod at James na sinasalubong naman ako.

"O?" agad na tanong ni Rod.

"Wala.  Nagkaayos lang kami.  Hanggang dun lang." pinilit kong ngumiti.

"Sige. Tara na sa klase." sabi ni James.

Pinilit kong mag-focus sa mga natitira kong subjects sa araw na yun.  Hanggang sa umuwi na lang akong mag-isa dahil hindi ako masamahan nina ROd at James.

Habang naglalakad ako pauwi ay nakita ko na namang nakaupo sa tindahan si Raymond.  Umiinom ng softdrink.  Tinitigan lang ako saglit bago iniba ang tingin.

Diretso lang ako sa paglakad.

Nagbukas agad ako ng ilaw sa bahay at naglaba ng konting damit.  Nagsampay ako sa garahe na ginawa naming sampayan.

Pagkatapos ko gawin lahat ng assignment ko ay nanuod na ako ng TV at maya-maya lang ay nagutom ako.

Nagbukas ako ng ref pero walang pwedeng kainin na sumasang-ayon sa craving ko.  Ewan ko ba at nag-crave ako ng barbecue at batchoy nung time na yun kaya lumabas ako.

Nilock ko agad ang gate at naglakad na ako palabas ng highway.  May mga carinderia sa paligid ng San Agustin at alam kong may ihawan doon sa harap ng Karaokehan.

Nang nasa ihawan na ako ay umorder ako ng dalawang batikulon (laman-loob sa Ilonggo), atay, inihaw na pecho. (Oo, pecho talaga pag-pronounce sa Iloilo ng pitso), at batchoy.  Umupo ako sa loob ng karaokehan habang hinihintay ang order.

Maya-maya ay may humila ng upuan sa tabi ko.  Umupo doon ang isang lalaki at nakatayo sa likod niya yung isa.

"O, mag-isa ka yata ngayon? Nasaan na yung dalawang syota mong lagi mong kasama." amoy-alak na ang bibig nung nagsalita na sa tingin ko ay nasa edad trenta mahigit.

Hindi ko sila pinansin.

"Aba. Suplado pala to. Hindi ka pinapansin. Palibhasa di ka kasinggwapo nung dalawang kasama niya palagi." sabat nung isa.

Lumapit ang serbidora. Inabot sa akin ang order ko.

"Ito na po. 40 po lahat." sabi nito.

Binunot ko ang pera ko sa bulsa at nagbayad na ako.

"Aalis na po ako." paalam ko sa dalawang lalaking lasing. Mabilis akong tumalikod at naglakad na palabas ng karaokehan.

"Pare, aalis na yung type mo.  Habulin mo." rinig kong sabi bago ako makalabas ng karaokehan.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Tumakbo ako.  Inisip ko na wag muna dumiretso sa bahay kasi wala nang masyadong tao doon baka maabutan pa ako.

Tumakbo ako papunta sa kanto ng Gen.Luna at Jalandoni sa harap ng Heritage Hotel.  Nakikita ko sa malayo na naghiwalay yung dalawa. Nagtago ako sa likod ng poste para di ako makita.  Mga isang kanto na rin ang layo ko sa kanila. Nakita ko ang isa na lumusot naman galing sa isang daanan at papalapit na sa pinagtataguan ko.

Naglakad na ako papalayo. Dahan-dahan lang para di makatawag pansin sa kanilang dalawa at ginagamit ang anino ng mga puno para di ako madali makita.

"Ayun!" rinig kong sigaw ng isa.

Kumaripas na naman ako ng takbo. Nang may bumusina sa akin.

Tumigil ang kotse sa tabi ko.

"Hop in." sabi ng isang pamilyar na boses.

"Mac?"

"One and only. Bilis!" sabay bukas nito ng pinto.

-----------------------------------

Reminder:

!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.

Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe

Please message me for your comments at 09064656383. Thank you.

4 comments:

  1. actually naawa ako kay ryan.. pero siguro for the welfare eh ok na rin naman yun at nanadyan na rin naman si rod eh.. hehe.. it's good to see you posting again gel.. continue to do so and rest assure that I will always follow your story.. :) keep up the good work.. grabe sobrang namiss ko yung story and specially ikaw.. hehe.. your avid reader and Fan.. :)

    - edward

    ReplyDelete
  2. sa tagal ng update ndi ko na maalala kung sino si ryan :(

    ReplyDelete
  3. Ako din di ko na maalala kung sino si ryan at si mac :(

    ReplyDelete
  4. sadly ako din ndi ko na maalala yun ibang character :(... still looking for kuya Paolo haha, kuya Paolo nasan ka na, iloveyou kuya Paolo hehe..

    ReplyDelete