Thursday, November 7, 2013
My Jalandoni Series... (Chapter 5... It All Unravels)
Waaah! Isang linggo mahigit walang update? Sorry
Liam, Brix, Lan, Britney, Mervz, Keith... para sa inyo to.
New Number pala 09064656383
----------------------------------
Umaga pa lang kinabukasan ay umalis na ako ng bahay. Napadaan ang sa kanto kung saan nakita kong umiinom ng softdrink si Raymond. Nginitian ko siya pero di ko alam kung di niya ako nakita pero umalis ito.
Sumakay na ako ng jeep at pumasok. Nang vacant na namin ay nagtext si Mac.
Mac>> How are you? Did you have a good night's sleep? If not, maybe you need me to stay beside you.
Ako<<< No need, my bed's already full.
Mac>> I can buy you a bigger bed.
Ako<<< Whatever, got class. Text you later.
"Sino yun?" tanong ni James.
"Kaibigan ko lang." sagot ko.
"May iba ka pa bang kaibigan maliban sa amin?" tanong ni Rod.
"Yup, kahapon ko lang nakilala. Nung maglakad ako pauwi." pagtatapat ko.
"Huh? Di ka lang namin nasamahan pauwi e may nakipagkaibigan na agad sayo?" Medyo iba ang tono ni Rod.
"Rod... wag masyadong seloso. Kaibigan lang eh. Hindi naman sinasabing nanliligaw." si James.
Ngumiti ako. Anggwapo magselos ni Rod.
"E sa kaibigan naman kasi nagsisimula lahat eh." si Rod uli.
"Asus... wag mo igaya lahat ng tao sa style mo." biro ko.
"Di ko yun style. Di ko lang sinadya." pagtatanggol nito sa sarili.
"O sige na. That means di ka na-love at first sight sa akin kung ganun?" biro ko uli.
"Ahem... guys... may ibang tao? Pwede pag maglandian kayo, lumayo-layo kayo ng konti. O kaya mamaya na tutal doon naman matutulog si Rod di ba?" paalala ni James.
Ngumiti si Rod. Inirapan ko siya.
--------------------
Pagkauwi ay nadaanan namin si Raymond na may mga kausap sa tindahan. Gaya kaninang umaga, di ako pinansin pero nang pagkalampas namin ay narinig kong nagtawanan sila. Ayoko man isipin pero parang kami ang pinagtatawanan nila. Least to say... ako.
Pinagluto ko ng pagkain si Rod. At dahil pagod kami kasi PE namin kanina ay agad naman kaming natulog. Nagising lang ako nang magutom ako bandang alas-dos. Naisip kong bumili ng canton.
Lumabas ako sa gate at bumili ng canton sa tindahan malapit sa labasan ng kalye namin. Pagbalik ko ay napalingon ako sa nakaparadang kotse malapit sa bahay namin. Familiar ang kotse na iyon. Hindi naman sa pagiging paranoid pero ilang beses ko na nakita ang kotseng iyon. Kinuha ko ang Plate Number at pumasok na ako sa gate.
KUmain na ako at nanuod ng TV pero di pa rin mawala sa isip ko ang kotse sa labas.
Curiosity kills a cat nga naman... kaya lumabas uli ako ng gate at andun pa rin ang kotse. Wala kayang tap sa loob, tanong ko sa sarili.
Lumapit ako dahan-dahan, di nagpapahalatang dun ako papunta. Mga apat na metro na lang ang layo nang biglang umandar ang headlight nito at umarangkada patakbo. Di ko alam pero hinabol ko naman ito.
Dahil walang masyadong sasakyan ay kaagad itong nakaliko at nakaharurot palayo.
Weird. Pero masyado namang coincidence iyon.
---------------------
Mac >> Good morning. Off to school?
Ako <<< Yes. Eating breakfast.
Mac >> Take care.
Nakatingin lang si Rod sa akin habang nagtitext ako. Kaagad na rin kaming umalis papuntang school.
Mga bandang alas-diyes ay nakita ko ang isang familiar na kotse sa harap ng Admin. Kaagad akong pumunta doon at tinitigan mabuti ang plate number. Oo nga, kotse nina Mama Tony ito.
Kaagad akong sumilip kung may tao sa loob. Kaso wala kaya agad akong tumakbo paakyat sa Admin. Doon ko nakasalubong pababa si Kuya Bon. May dala itong mga envelope.
"Gel." tawag nito sakin sabay yakap. "MUsta ka na?"
"Kuya, napadaan ka dito? Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Lika, samahan mo ako sa kotse." sabi nito.
Medyo kabado ako sa sasabihin nito sa akin. Pero sumama na rin ako dahil namiss ko rin siya kahit papaano.
Pagkapasok namin sa kotse ay binuksan nito ang makina at pinaandar ang aircon dahil sa init.
"O Kuya, ano yung sasabihin mo? Bakit di mo kasama sina Feljan at Rey (Mga kasama ko sa bahay ni Mama Toni)?" agad na tanong ko dito.
"Ayun na nga eh. Kaya nga ako andito dahil kinuha ko na ang mga card at papeles nung dalawa. Hindi na sila kasi dito mag-aaral." mahinang paliwanag nito.
Kumunot ang noo ko.
"Bakit kuya? Si Mama Toni ba?" tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
"Oo. Nagalit kasi si Mama Toni dahil sa ginawa mo. Umalis ka nang walang paalam." sabi nito.
Nanahimik ako.
"Ayun, napagbuntunan ang dalawa. Ayaw na niyang dito pa mag-aral ang dalawa kaya pinadala niya ang mga yun sa Jordan (Guimaras). Dun na rin sila mag-aaral habang binabantayan nila ang punong (palaisdaan) ni Mama Toni."
Di pa rin ako nakaimik.
"Kumusta naman si Mama Toni?" tanong ko.
"Siyempre nagtatampo yun. Pero alam mo naman iyon, malapit sa iyo yun kaya siyempre naapektuhan talaga siya dahil iniwan mo siya nang ganun ganun na lang."
Natahimik ako.
"O siya sige. Aalis na ako, may dadaanan pa ako e." sabi nito kaya lumabas na rin ako ng kotse.
"Gel!" sigaw nito.
"Kuya?"
"Ingat ka ha? Kaya mo naman mag-isa. Ikaw pa." sabi nito.
Ngumiti ako.
"Gel... namiss din kita. Sana sunod gawin uli natin." sabi nito.
"Gago." mura ko dito.
Napatawa lang ito saka pinaandar ang kotse.
Tiningnan ko na lang ito bago lumabas ang kotse sa gate at kumanan.
Nalungkot ako. Kahit papaano ay napalapit na rin sa akin ang dalawang batang malilibog na sina Feljan at Rey. Lahat ba talaga ng malapit sakin ay kailangan mawala?
Ako <<< I'm sad
Bigla kong naisipang pumunta sa library at itext si Mac. Siguro dahil ayoko ipakita kina Rod na malungkot na naman ako.
Mac >> Why sweetie?
Ako <<< Some people close to me, suffered because of my mistake.
Mac >> Are you sure it's really you who should be blamed?
Ako <<< Yes
Mac >> Well, soon you can apologize at least you admit your mistake.
Ako <<< I don't know how I can apologize. Malayo na sila sa akin.
Mac >> Time will tell.
Ako <<< Thank you. For being there for me.
Mac >> For you. I'm always here.
Pinunasan ko ang luha ko sa mata saka lumabas sa gitna ng mga bookshelves.
"O andiyan ka pala. Kanina ka pa namin hinahanap." bati ni James.
Nakita kong nasa likod nila si Ryan.
Tumingin ako dito. Ngumiti.
Ngumiti din siya pabalik.
"Oo nga pala, hinahanap ka ni Ryan, may sasabihin lang daw."
Tinitigan ko si Ryan, Ngumiti ito. Si Rod naman ay tahimik lang.
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09064656383. Thank you.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Aw. Ang lungkot naman po nung nangyari. Ano kayang mangyayari sa susunod? Sana makapagpost pa po kayo. Nakakaexcite po talaga. Hehehehehe. Saka hindi pa po ako nakakapagtext. Hindi pa po kasi nakakapagpaload eh. Nagbago na rin po pala kayo ng number.
ReplyDelete- Brix
Nga pala po. Ano na pong nangyari sa dati niyong number?
ReplyDelete- Brix
Brix , Mind If I ask ?
DeleteTaga San ka? Hehe . . Im just wondering..
-Anonymous :)
Ako po? Taga - Cavite po ako. :)
Delete- Brix
Oh:) ! Hehe . Im Sorry ..
DeleteYour name remind's me of someone..
AnyWay , thanks for replying ..
-Anonymous:)
Nagkakadevelopan
ReplyDeleteI Know Right Angel ^_^
ReplyDelete-Calvin