Sorry ulit guys na hindi ako nakapagpost recently. Anyway, I just want to post this Shared story sent to me last May 17, 2013 by one of my avid readers named "Abel".
=======================================
Kuya Gel, assuming na mas matanda ka sa akin kasi 21 pa lang ako and I know base sa kwento mo mas matanda ka sa akin. Hahaha. Anyway Kuya, I just want to share my recent experience.
Anyway, I am a graduating student from Far Eastern University, and siguro alam mo naman na kung ano course ko, kasi usually pag sa FEU ako e Nursing agad. Pero tama ka nga. Nursing student ako at malapit na gumraduate... "Hopefully" gaya ng sabi nila. After this incoming schoolyear, matatapos na rin ako.
(Sana walang nagbabasa na schoolmate ko. Pero itatago ko na lang totoong name ko and just call me "Abel")
I'm about 16 years old nung naconfirm ko sa sarili ko na iba ako. Na di ako normal na lalaki. Not meaning abnormal ako like most straight homophobic people would say. Pero of course dahil di ako tulad ng ineexpect ng society natin as normal lalaki. I am not straight. I act straight but I like men.
Hindi ako makikipagplastikan na sasabihin kong "Bi" ako dahil straight-acting lang ako. Kasi naiirita ako sa iba na sinasabing "Bi" sila pero pag pinahubad mo na ang babae sa harap nila e halos masuka na sila. PLease lang Straight-acting gay kayo pero di kayo "bi" so wag ipilit.
Anyway, sorry sa side-comment pero matagal ko na rin gusto sabihin yan sa mga nagsasabing "Bi" sila. So please don't edit.
This part of my story happened at the latter part of my third year. Around March 2013. Sabi ko nga 16 years old pa lang ako nung aminin ko sa sarili ko na bading ako. Pero di porke inamin ko e magbibihis na ako ng babae. NAkasanayan ko na na pumorma as lalaki so pinagpatuloy ko na lang. Walang nagbago maliban sa mas naging open na ako sa pagregister sa PlanetRomeo. Marami na akong naging kaibigan at nakachat doon kaso halos lahat ng makita ko, pag mineet mo in person, anglayo sa totoong tsura sa picture. MArami na yata ang magaling sa adobe photoshop ngayon. 2 weeks lang at tumigil na ako. Nadisappoint ng tuluyan.
Pero kahit ganoon na ang pag-amin ko sa sarili ko e di pa rin ako nagko-confess sa pamilya at kaibigan ko dahil ni minsan walang naghinala na ganun ako. Siguro nga dahil nga pilit kong nirereject ang idea dati at dahil sa sanay na rin ako sa kilos lalaki.
Nung kalagitnaan ng March 2013, Biyernes, nagdesisyon ako na pumunta ng Isetann Recto. Aaminin ko, unang pasok ko pa lang nung time na yun dahil sa marami na rin akong naririnig na mga kwento tungkol sa lugar na yun at kahit yun ang pinakamalapit na mall malapit sa school, maliban sa Ever, di pa rin ako pumupunta dun. Naririnig ko kasi na maraming tumatambay na mga bading at callboy dun. Mas marami pa kesa sa mga babaeng prosti at mga customer nun. Kaya never kong inisip na pumasok dun.
Pero ewan ko ba nung time na yun, parang may humila sa akin na pumasok sa lugar na iyon.
Pagkapasok ko sa mall ay nagtingin tingin ako sa department store. May nakita akong magandang polo shirt at jeans kaya wala din sa isip ko ay napabili ako. Pagkalabas ko ay kumain ako sa Jollibee sa ground floor. Habang kumakain ay may nasulyapan akong cute na lalaki. Nakatingin ito sa akin. Kaso biglang humarap sa akin ang kaharap nitong bading at parang nagalit iyon at tumayo na lang bigla. Siguro mas matanda lang ng konti sa akin yung lalaki at yung bading na kasama niya e mga edad 40 pataas.
Dali-dali ding sinundan nung lalaki yung bading. Napaisip tuloy ako. May kinalaman kaya ako doon? Pero sa isip ko, wala naman akong ginawa. Siya naman ang nakatingin at di ako. DI naman ako ngumiti o nagpakita ng motibo so dapat no harm done.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa sinasabi nilang tambayan ng mga bading at callboy, ang 4th floor, yung puro arcade. Pag-akyat ko pa lang sa escalator ay marami ka nang makikitang nakatambay sa gilid ng escalator. Inaabangan ang mga umaakyat. Halo-halo. May mga lalaking unang tingin mo pa lang ay halatang callboy agad. Yung iba masyadong halata dahil kumikindat na at ngumingiti. May mga bading din na halos matatanda na na nakaabang din.
Sobrang naconscious ako na kung di lang paakyat ang escalator ay bumaba na ako.
Pumasok ako ng Tom's World. Andaming tao. Kaso mas marami ang lalaki kesa babae. Tapos makikita mo agad kung sino yung mga paikot-ikot lang na akala mo ay mga model na pabalik-balik. Ang mga bading naman ay bulungan nang bulungan sa gilid sabay turo sa mga lalaki na akala mo ay namamakyaw.
Parang natense ako sa ambience kaya naisipan kong bumili ng token. Bumili ako ng 10 kaya may libre iyon. Umupo ako sa Marvel vs Capcom na laro. O di ba? Lalaking lalaki kahit sa laro lang. Magaling kaya ako nun. Kaya wala talagang nag-aakala na bading ako.
Habang naglalaro ako ay may umuupo sa tabi ko. Iba-ibang bading. Isa lang ang alok.
"Labas tayo."
Kaso ngumingiti na lang ako at di sila sinasagot. Siguro mga mahigit benteng bading din lumapit sa akin. Siguro nga dahil bagong mukha ako at dahil sa maputi ako at maganda ang tinding. 5'10 ang height ko, maputi, balbon, nag-gi-gym paminsan-minsan, runner so fit ang katawan ko, walang belly fat, maganda daw ang mata at ilong. Hahaha... as in ngayon ko lang talaga dinescribe sarili ko.
Iba't iba ang comment. "Suplado", "AKala mo gwapo", "Papamahal-mahal pa", "Siguro supt ka", "Siguro maliit titi mo". Hay buhay nga naman. Pag hindi nakuha ang gusto e mag-iimbento ng paninira.
Nang nakailang rounds na ako ay may tumabi sa akin.
"Labas tayo."
Napalingon ako dahil di boses-bakla yung nagtanong.
Napakunot ang noo ko dahil si Kuyang Pogi sa Jollibee na may kasamang bading ang nasa tabi ko.
Bigla akong kinabahan.
Pag bading pala ang nagtanong sa'yo parang nakakayabang. Pero pag lalaki pala ang nagtanong sa'yo na lumabas e nakakababa sa sarili.
Ibinalik ko ang tingin ko sa nilalaro ko.
Matagal na katahimikan.
Natapos ko ang laro.
Tumayo na ako at lumipat sa Indiana Jones na laro, yung may bolang silver na kailangan mong makabuo ng pattern kapalit e token. Siguro malas ako dahil isang beses lang ako nanalo ng tatlong token na naubos din.
Pagkaubos ng token ko ay tumayo ako at nagdesisyon na lumabas na ng Tom's World. Nakita ko rin na lumabas si Kuyang pogi.
Kinabahan ako. Umakyat ako ng escalator paakyat ng 5th floor sa may sinehan. Nakita kong sumusunod pa rin si kuya. Nagmadali ako na bumili ng ticket sa sinehan at pinili ko yung hindi bente pesos na palabas. Siguro naman di niya ako susundan at gumastos pa ng malaki para lang mag-stalk.
Pumasok na ako sa sinehan kahit halos kalagitnaan na ng palabas.
Naghanap ako ng pwesto at umupo na ako.
Mga ilang minuto na ang nakalilipas nang may biglang umupo sa tabi ko.
"Patabi ha?"
Paalam nito.
Kahit di ko siya tiningnan ay kilala ko kung sino iyon. Same smell, same voice. Si Kuyang Pogi sa Jollibee.
Di ako sumagot.
"PAngit naman. Malapit na matapos." rinig kong sabi nito.
Di ako sumagot.
"Carl pala." sabay abot nito ng kamay.
"Mike." pagpapalit ko ng pangalan.
"Yung totoong pangalan mo?" di nito pinakawalan ang kamay ko.
"Mike nga." ulit ko.
"Tsss... Mike mo mukha mo. 'Abel' (di ko tunay na pangalan) ang nakasulat sa bag mo e. Loko ka ha?" sabay tawa nito.
Di ako sumagot. Hinila ko kamay ko.
"Ikaw ba yung sa Jollibee kanina?" tanong nito.
"Oo. Ikaw yung may kasamang bading di ba?" parang insultong tanong ko para mairita siya at umalis. Wala sa plano ko ang kumuha ng callboy.
"Oo. Ako nga."
"Nasaan na siya?" usisa ko. Somewhat curious.
"Ayun, nagselos. Naghanap ng iba." sabay tawa nito.
"E bakit parang masaya ka pa? Di ka ba malungkot na nawalan ka na ng customer?" asik ko dito. Parang insulto pa rin.
"Di ah. Anjan ka naman e." sagot nito.
"Aba. Ano'ng ako? Akala mo sa'kin? Nangpipick-up?"
"Di ako tanga. Alam ko service ka rin e." sagot nito sabay siko sakin.
"Ano'ng service?"
"Callboy."
"Hoy. Umayos ka. Di ako callboy no. Baka ikaw."
"Asus. Nagmamalinis. Andami ngang binili sa'yo ng jowa mong bading e." turo nito sa mga dala kong plastic bag.
"Gago. Di ba pwedeng ako ang bumili niyan? Di ko kailangan ng bading para bilhan ako niyan. Kaya kong bumili para sa sarili ko."
"Wushu... yabang."
Medyo naiinis na ako sa kanya.
"Pwede ba kung wala kang magawa. Maghanap ka ng customer mo. Wag ako. Dahil nananhimik ako."
Tumahimik ito.
Tumigil na rin ako. Pinagpatuloy ko ang panunuod.
Nang matapos na ang palabas ay sumindi ang ilaw. Di ko napigilan tiningnan ko siya.
Paglingon ko dito ay nakatingin ito sa screen.
Habang nakatingin sa screen ay kumindat ito.
"Type mo ako no?" sabay harap sakin.
Di ko siya sinagot.
Mga mahigit sampung minuto pa ay tumayo ito. Sinundan ko siya ng tingin at lumabas na ito.
Parang lumuwag ang paghinga ko pero para din akong nanghinayang. Maya-maya pa ay nagsimula na ang mga trailer ng mga bagong pelikula wala pa rin siya. Parang nagtampo na ata.
Nang magsimula na ang pelikula ay narinig kong may papalapit sa akin. Umupo ito sa tabi ko.
"Nagsimula na pala. Sorry antagal ko."
Sabay inabutan ako nito ng softdrink.
"O, kunin mo na nangangalay ako."
Nagdalawang-isip ako. Ganito na ba style ng mga callboy ngayon? Nanlilibre muna?
"Hay naku, libre na nga kita e ayaw mo pang tanggapin." saib nito.
Para di siya mapahiya e kinuha ko na ang softdrink.
"Oop, may kapalit yan." sabi nito.
Sabay lapit ng nguso nito. Nagmumuwestra ng kiss.
Napilyuhan ako sa kanya pero walang isip isip na kiniss ko ang bibig niya.
Para akong nakakita ng fireworks. First kiss ko sa lalaki. Sobrang lambot ng labi niya.
Umayos na ako ng upo. Naconscious na ako.
Gago ko naman, nagpadala ako ng basta basta.
Tahimik ulit kami.
Maya-maya ay kinuha nito ang kamay ko. HInawakan. Di ko naman tinanggihan. Gago ko talaga.
Paminsan-minsan ay pinipisil-pisil niya ito. Paminsan-minsan kinikiss niya ang likod ng kamay ko.
Aaminin ko kinikilig na ako sa lalaking kamukha ni Paolo Avelino pero mas maputi at mas makapal ang kilay. Halos kasingtangkad ko lang din siya.
Maya-maya ay lumapit ang mukha nito sa tenga ko.
"Akbayan mo ako." bulong nito.
Nilingon ko siya,
Nakangiti ito,
Ewan ko ba, para akong nahipnotize ng hayop na lalaking ito. Itinaas ko naman ang braso ko at umakbay sa kanya. Humilig ito sa balikat ko.
Pakiramdam ko nang mga panahong iyon, nasa alapaap ako. Yung sinasabi nilang feeling kapag in-love ka. Iyon ang nararamdaman ko.
Kaso heto na naman ang skeptical kong utak.
Callboy ito. Ano'ng ginagawa namin? Siya din akala niya callboy ako. So siguro di naman niya eexpect na babayaran ko siya. So ano tong ginagawa namin?
Humarap ito sa akin.
"Okay ka lang?" tanong nito.
Ngumiti ako.
Ngumiti din siya. Hinalikan ko sa leeg at bumaling na siya ulit sa palabas.
Parang nagkaroon ng sariling isip ang kanan kong kamay at hinawakan ko ang braso niya. Mas lalo niyang idiniin ang ulo niya sa dibdib ko.
"Ano ba tong ginagawa natin?" di ko napigilang tanungin siya.
Umayos ito ng upo at tumingin sa akin.
"Naaasiwa ka ba?" tanong nito.
"Sa totoo lang... Oo. Naguguluhan."
"Bakit naman?" tanong nito uli.
"Di ba callboy ka? Bakit mo ginagawa sa akin to. E wala ka namang mapapala sa akin." sabi ko.
Ngumiti ito. Ang ngiti ay napalitan ng mahinang tawa.
"Hanggang ngayon talaga iniisip mong callboy ako no?" sabi nito.
Di ako sumagot.
Hinalikan ako nito sa pisngi.
"Ungas ka rin e no? Yung nakita mong kasama ko kanina, may gusto lang sa akin yun. Nilibre lang ako ng meryenda nun. Kaso nung makita kita, napatitig ako sa'yo. Ayun nagalit. Umeskapo. Iniwan na ako. Pero sa sarili ko okay lang dahil di ko na kailangan maghanap ng excuse para iwan siya at hanapin ka." paliwanag ni Carl.
Di ako sumagot.
"At ikaw..." sabi nito sabay hawak ng kamay ko. "... alam ko rin na di ka callboy. Alam ko saan school mo, full name mo at course mo."
"Hala. Baliw ka ba?" tanong ko.
"Nope. Naaalala mo ba last October nagpaprint ka ng report mo?" tanong nito.
"Oo. Paano mong alam yun?" takang tanong ko.
Ngumiti ito.
"Naalala mo bang di ka pinabayad nung babaeng nagbabantay sa shop?"
INalala ko, oo nga.
"Naalala mo ba na ang sabi niya ay 'Libre na po paprint niyo ngayon kasi may promo po kami ngayon na ang pang-50 na magpaprint kada araw e libre na.' ". paalala nito.
"At yung mga sumunod na araw e libre pa rin ako? At ako palagi ang number 50?" pagpapatuloy ko.
Ngumiti ito.
"Naalala mo na?" tanong nito.
"Weird. So may kinalaman ka dun?" tanong ko.
"Tumpak. E shop ko yun e." sabay tawa nito.
"Shop mo...?"
"Ako may-ari nun. Actually shop ng kuya ko yun, kaso nasa Australia na sila ng girlfriend niya so iniwan na sa akin yung shop." paliwanag uli nito.
"So ikaw yung kapatid ni Kuya 'Tony' (di tunay na pangalan ng kapatid ni Carl) ?"
"Yup. Kaso mas pogi ako dun." pagmamayabang nito.
"Hindi, mas pogi yun." biro ko.
"Kaso ako naman ang mahal mo." sabay hawak nito sa kamay ko.
"Ungas ka rin no? Ikaw kaya namilit."
Sa puntong ito e parang lumuwag na ang pakiramdam ko. Para akong nabunutan ng tinik o kung ano man.
Kinuha niya ulit ang kamay ko at iniakbay na sa kanya.
Di na ako pumigil sa sarili ko, niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa ulo.
"Tayo na ba?" rinig kong tanong niya.
"Matagal na dapat. Mabagal ka lang." sagot ko dito.
====================================
Note from Gel: "Sorry guys, walang sex scene. Hahahaha"
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow. DONT FORGET TO DONATE... Hehe
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
funny love story. cute..
ReplyDeletesarap tumambay sa isetann choss xD
ReplyDeletesweet:D
ReplyDeletenice story. he he he
ReplyDelete