Monday, February 13, 2012
My SJV Series (Chapter 30... Final Episode .... Feljan...)
Koko, Welcome and thank you for following.
aqua16, Joo, Juan, ZROM, Kristoff1922 Thank you for your comments on my previous post.
To all, sorry if I wasn't able to post soon.
Well, you already guessed it, this is my last Episode for My SJV Series. Hopefully, happy ending hahahahha. I wish.
===============================================================
Pagkabalik namin sa bahay ay nag-almusal na kami. Pagkatapos noon ay nagpasama si Kuya Bon kina Feljan at Rey sa palengke sa La Paz (isang distrito sa Iloilo City, malayo sa SJV). Sabi naman ni mama Tony, isa lang daw ang dapat na isama niya dahil baka kailanganin namin ng tulong sa bahay.
Si Rey na ang nagpresentang sumama dahil hindi pa daw siya nakakapunta ng La Paz. At saka medyo magka-vibes sila ni kuya Bon dahil pareho silang mahilig magpatawa. Siyempre ako minsan di naman madalas na nakakagets ng joke ng mga lalaki. Siguro dahil iba talaga ang kasarian ko.
Sa suwerte ko, si Feljan ang naiwan. Siyempre, papalampasin ko ba ang pagkakataon na makapag-bonding kaming dalawa? Siyempre hindi.
Mahilig si Feljan kumanta kaya tumambay siya sa kuwarto ko at tinuruan ko siyang mag-computer. Pinapakinggan niya ang mga bago kong download na mga kanta. Natatawa pa ako kapag nakakalimot siya at napapalakas ang pagkanta niya.
Siyempre sumasabay na rin ako sa kanya sa pagkanta. Una, para naman di siya masyadong mailang na pinagtatawanan ko siya habang kumakanta siya. At pangalawa, kunwari ay duet kami at mag-siyota kami. Sa panaginip lang... Hahahaha.
Mga bandang alas-nuwebe ay dinalaw na kami ng antok dahil sa maaga kaming nagising kaninang umaga. Timing namang pumasok si Mama Tony sa kuwarto.
"Gelo, Feljan, kayo muna magbantay sa bahay huh? May kailangan lang akong asikasuhin. Pupunta lang kami ng Jaro Cathedral." sabi nito bago tuluyang umalis.
Maya-maya ay napapapikit na ang mata ko.
"O, inaantok ka na rin?" puna ni Feljan habang bumibirit ng kanta ng Backstreet Boys.
"Oo e. Anong oras na tayo natulog kagabi tapos ang aga pa natin nagising kanina para magsimba." paliwanag ko
"Ako nga din e. Pero wala akong reklamo dahil gustong-gusto kong andito ako sa inyo. Sa totoot lang, ito na ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko." seryosong sabi nito.
Napangiti ako sa kanya.
"Talaga?" wala na akong matanong e.
"Oo. Simula nang magkamalay ako ay wala na akong nakita kundi ang ampunan. Oo nga at dapat akong magpasalamat dahil may nag-alaga sa akin noong itinapon ako ng magulang ko. Pero di pa rin matigil ang isip ko sa kakaisip kung ano ang nangyari sa akin kung sakaling di ako iniwan ng magulang ko." nakita kong nangingilid na ang mga luha nito.
"Feljan, wag ka nang umiyak. Tapos na iyon. Ang mahalaga ay andito ka na. Di ka naman pababayaan ni Mama Tony e. Andiyan naman si Rey na kaibigan mo. Andito naman kami ni Kuya Bon. Para mo na rin kaming mga kapatid di ba?" pag-aalo ko sa kanya.
Tumango siya.
"Thank you ha? Dahil sa inyong lahat ay gumagaan ang dibdib ko."
"Okay lang yun. At saka, wag mo na isipin yun dahil simula ngayon hanggang sana matagal pa ay magkakasama tayo. Di mo man kami tunay na pamilya, ganyan na rin ang magiging turingan natin." sabay ngiti ko sa kanya.
"Talaga?" nakatitig ito sa akin.
Ngumiti uli ako.
"Promise. Magiging mabait akong kaibigan para sa iyo. Malay mo balang araw e maging para na tayong magkapatid. Siyempre, isang bahay lang tayo e. Tsaka balang-araw e magiging schoolmates na tayo."
"OO nga no. Doon na ako mag-aaral sa eskuwelahan niyo."
"Oo. Sigurado ako pagkakaguluhan ka ng mga babae doon." dagdag ko pa.
"Weh? Bola! Bakit naman?" tatawa-tawang tanong nito.
"Ang pogi mo kaya." dire-diretso kong sabi sa kanya.
Natawa siya. Matagal. Malakas.
Napangiti ako dahil nawala na ang lungkot niya.
"Palabiro ka no?"
"Hindi no. Seryoso ako. Ang pogi mo. Totoo yun." pagkumpirma ko pa.
Nagseryoso mukha niya.
"May nagsabi nga sa akin. Mga bata sa ampunan. Mukha daw akong bata kahit binata na."
"Tama naman sila e. Kaya sigurado ako maraming magkakagusto sa iyo sa school namin."
"Talaga? Maraming magaganda doon?"
"Oo. Marami." kahit labas sa ilong ang pagkakasabi ko.
"E ikaw?"
"Ano'ng ako?" takang tanong ko dito.
"May mga naghahabol sa iyo doon?" tanong nito.
"Wala." asiwang sagot ko.
"Weh? Ikaw? Wala? E cute ka din naman a. Konti na lang e mukha ka nang babae e sa sobrang cute mo." papuri nito.
Nang marinig ko iyon ay wala na akong inisip kung anuman ang gusto niyang sabihin pero alam ko nag-init ang mukha ko at kinilig talaga ako.
"wala. Siguro mukha lang talaga akong elementary student kaya walang nagkakagusto sa akin." mahinang paliwanag ko.
Siniko niya ako.
"Di ako naniniwala."
Ngumiti ako.
"Sige na nga. May naghahabol sa akin. Kaso di lang babae." sabay ngiti ko sa kanya.
"SERYOSO?!" anlakas ng boses niya pagtanong.
"OO. Ngayon di ka naman naniniwala?"
"Hindi naman sa ganun? Nakakabigla lang. Ibig sabihin may nagkakagusto sa iyong lalaki?" lumalaki ang mata nito sa pagkagulat.
"Babae, lalaki, bading... ayun... marami-rami din kahit papaano."
Natahimik siya. Nanlalaki pa rin ang mata. May gustong sabihin pero di niya magawa.
"Ano? Natahimik ka na? Ikaw itong tanong nang tanong e." tumawa uli ako.
Biglang nag-iba ang ekspresiyon ng mukha nito. Pailing-iling sabay tawa.
"Ayan, nababaliw ka na." sabi ko.
Tumawa lang siya.
Nang makarecover na siya sa pagtawa niya ay nagpatuloy ito.
"Pero nagkagirlfriend ka na?" usisa nito.
Umiling ako.
"Hmmm... boyfriend?" asiwang tanong nito.
Nakatitig siya sa akin na wari'y alam na niya ang isasagot ko.
Ngumiti ako.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" biglang sigaw nito.
Tinitigan ko siya na para bang nababaliw siya.
Hinila ko siya sa siko para tumahimik.
"Ano ba? Para kang gago." asik ko dito.
Tumigil siya. Tumitig sa akin. Umiling at pumikit. Umiling uli. Dumilat at tumitig uli.
Kinakabahan na ako.
"Ano ba?" medyo naiinis kong sabi.
"Alam ba ni Mama Tony to?" bigla niyang naitanong.
"Siyempre hindi. At kapag sinabi mo man ay idedeny ko rin."
"Wag kang mag-alala di ko sasabihin." nakangiting sabi nito.
Natahimik kami.
"Seryoso ka ba na nagka-boyfriend ka na?" usisa uli nito.
"Oo nga. Pero wag mo nang ipaalala. Lahat yun di naging maganda ang kinalabasan. Kaya ngayon, ayoko na."
Nag-iba ang bigat ng hangin. Naramdaman agad ni Feljan ito.
"Sorry kung dahil sa akin e naungkat yan." nag-aalangan siyang hawakan ako sa balikat.
Tumahimik lang ako. Kinukuha ko ang simpatya niya.
"Sorry." ulit nito.
Tumitig ako sa poging mukha nito at ngumiti.
Umiling.
"Ako dapat ang mag-sorry. Di ko dapat kinuwento sa iyo ito. Kakakakilala lang natin e."
"Ano ka ba? Di naman ako siguro mababaw para naman husgahan ka dahil lang doon. Tsaka simula sa unang araw na nandito kami ni Rey ay puro kabaitan naman ang pinakita mo e. Kaya bakit naman magbabago ang pagturing ko sa iyo dahil lang doon."
Tinitigan ko uli siya. Nakita ang pagka-sincere ng mukha niya.
"Salamat."
Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.
"Salamat din at napakabait mo sa akin." sabi nito.
Sapat na ang yakap na iyon para mapunan ang butas ng puso ko. Pero naghahalo pa rin ang emosyon. Hindi ko maipaliwanag pero alam kong nag-iinit ang katawan ko sa yakap niya.
Kaagad kong inilayo ang katawan ko sa kanya.
"Sorry Feljan. Pero di tayo pwedeng magyakap. Hindi ako sigurado sa kasarian ko. Kaya mas maganda na yung wag tayong mag-body contact lalo na magyakapan. Dahil baka may ibang umusbong e." naiilang kong sabi sa kanya.
Ngumiti siya.
Hinila uli ako at niyakap.
Sa umpisa ay ayokong gumanti pero nagpaubaya na ako sa gusto ng puso ko.
Yumakap din ako ng mahigpit sa kanya. Humilig ako sa balikat niya.
"Hindi mo pwedeng diktahan ang sarili mo. Kung magugustuhan mo man ako balang araw, nasa sa iyo yun. Pero nasa akin naman kung ibabalik ko yung nararamdaman mo sa akin. Pero sa akin man o kahit kanino, hindi mo dapat ipagkait ang maging masaya. Kung sa pagyakap ko sa iyo ngayon ay magiging masaya ka kahit saglit, wag mong pigilan ang sarili mo." bulong nito habang yakap ako.
Pumikit ako.
"Buong buhay ko, gusto kong sumaya pero walang naging dahilan. Gusto kong sumaya pero di ko magawa dahil walang dahilan. Ayokong mangyari sa iyo yun. Kung may mga bagay na nakakapagpasaya sa iyo. Ituloy mo. Dahil baka sa susunod, di na mauulit ang pagkakataong iyon."
Buong-buong tinatanggap ng utak ko ang sinasabi niya.
"Kung gusto mo akong yakapin, basta walang nakakakita, okay lang sa akin. Kung dahil sa yakap na iyon ay mahulog ka sa akin, nasa sa iyo na iyan. Hindi kita pipigilan, kaya wag mong pigilan ang sarili mo. May mga bagay naman na kahit anong pigil mo ay mangyayari kung mangyayari. May mga bagay din na kahit anong pilit mo, ay di mangyayari, kung di talaga dapat mangyari."
Binuksan ko ang mga mata niya at tinitigan siya.
"Alam mo... alam kong madali akong mahuhulog sa iyo. Pero... may mga bagay talagang di dapat. Kaya hanggang yakap na lang ako. Dahil baka balang araw pag nagbago ang turingan natin, kahit yakap mo man lang ay mawawala na rin sa akin."
Tinitigan niya ako.
Kumindat.
"Angelo... may gusto akong sabihin sa iyo."
-----------------------------------
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
Please message me for your comments at 09167719273. Thank you.
Yes, nagpalit na ako ng number... nagkaproblema e.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wahhhhhhhhhhhhh bitin much.. wew.. ang sweet ni feljan.. hohoh hahappy valentines
ReplyDeletehappy valentines sa lahat! excited much for the next series..
ReplyDeleteGrabiti. Ka-excite. Haha.
ReplyDeleteHAPPY VALENTINES.♥
Ingat.
HALA,BINITIN NA NAMAN. KAKAINIS KA HUH! HAPPY VALENTINE SA LAHAT. . .HE HE HE
ReplyDeletesana maglagay ka ng pix ni gelo o kahit na ung kahawig nya para may idea me sa tunay na itsura nya. tnx f mapagbigyan ang munti kong request. he he he
ReplyDeletewow nakakabitin naman ito ahh, more update pleaseee.... Happy valentines
ReplyDeletenext na kuya bitin ang valentine's day ko hehehehe ikaw kasi eh :) sana iyung susunod ay *** alam muna iyon kuya hahahahaah
ReplyDeleteKUA GEL napapahagulgul ako sa iyak sayo jusme...nakakaiyak ang story moooohhhhh...pero bitin ahhh
ReplyDeletegusto ko ang mga linya d2 maraming ibig sabihin.... Malalim at may aral..
ReplyDeletethis is my favorite part of the blog so far.
ReplyDelete