Friday, August 26, 2011
My Freshman Series (Part 10... School Supplies Shopping... YES!)
Thanks to all who left their comments. Please continue doing so. Don't worry guys, I have a lot of time in my hand to blog right now. Okay? Love you all.
==========================================================
Pagkatapos namin sa school ay dumiretso na kami ng bangko. Dineposit kasi namin ni Kuya Gilbert and perang binigay ng kuya ko. Sabi kasi ni Kuya Gilbert gamitin ko lang yun sa school kasi may pera naman daw siya para sa panggastos namin sa araw-araw. Isang libo lang ang winithdraw ko kasi school supplies lang ang bibilhin ko. Kahit na kailangan ng uniform doon at black shoes ay hindi kami bumili noon sa SM Delgado. Iyon ang kauna-unahang SM sa Iloilo.
Pagpunta namin sa second floor ng SM kung saan andun ang mga school supplies, (Dahil wala pang National BookStore noon), ay kumuha na nga basket si Kuya Gilbert na pagsisidlan namin ng mga bibilhin. Ilang notebooks lang, papel, bond papers, cartolina, art paper, ball pens, folders at iba pa ang kinuha namin. Dahil nga sa pasukan na ay marami din namimili. Mga dalawang oras ay nakaalis na rin kami sa wakas. Wala pang limandaang piso ang napamili namin.
Agad kaming sumakay ng kotse papuntang Iznart Street papuntang downtown. Pinarada namin ang kotse sa tabi ng daan at naglakad kami sa JM Basa kung saan andun ang Diamond Shopping Center. Doon kasi ang bilihan ng mga murang damit at sapatos pang-uniform. Kinulang ng tatlong daan ang pera ko dahil bumili pa ako ng mga sando at brief. Kaya siyempre, to the rescue na naman ang paborito kong superhero... si Kuya Gilbert.
Pagkatapos na naming mamili ay pumunta kami sa malapit na restaurant doon na paborito naming puntahan madalas kasi mura at masarap ang mga bilihin. Nakalimutan ko pero Wiwin's yata ang pangalan ng restaurant na yun malapit sa isang sinehan.
Umorder kami ng spaghetti at burger. Saka kami umupo sa mesa sa gilid.
"Nakakapagod ngayong araw na to." agad na sabi ni Kuya Gilbert.
"Happy Father's Day!" biro ko sa kanya dahil kanina pa ay parang tatay ang tingin ko sa kanya. Hahaha.
Kinurot ang braso ko.
"Ganun pala ha? Tatay pala ang tingin mo sa akin ha? Humanda ka pag-uwi at papaluin kita." biro nito pabalik.
"Ay! Gusto ko yan. Papaluin mo ako ng ano mo no?" sabay tawa pa ako.
"Oo. Ipapalo ko muna bago ko ipapasok." nakangising-demonyo pa nitong sabi.
Pagdating ng order namin...
"Miss, pabalot na nga lang nito." sabi ko sa waitress.
"Bakit?" agad na tanong ni Kuya Gilbert.
"May gagawin pa tayo di ba?" nakangiti kong sabi sa kanya.
Tumawa muna siya saka humarap sa waitress.
"Miss, sige na. Wag mo na lang pansinin yan. Salamat." sabi ni Kuya Gilbert.
Tumatawa pa rin ako hanggang makaalis ang waitress.
"Salbahe ka talaga." agad na sabi ni Kuya Gilbert.
"E bakit ba. Mas masarap yung kakainin ko mamaya sa bahay e. Di lang bibig ko kakain." biro ko uli.
"Ikaw talaga. Kumain ka na nga lang diyan."
Di pa rin natapos kulitan namin hanggang makauwi na ng bahay.
Sa pagod ni Kuya Gilbert dahil siya nagdadrive at bumitbit halos ng mga pinamili namin ay nakatulog agad ito paghiga sa kama.
Naawa naman ako sa kanya kaya hinubad ko na lang ang sapatos niya. Sinunod ko ang pang-itaas na damit niya. Kahit medyo mabigat ay pinilit ko iyon mahubad para mapreskuhan siya. Siyempre tinitigan ko talaga ang katawan niya. Kahit di siya pumupunta sa gym ay napapanatili niya ang hubog ng katawan niya dahil sa pagpupush-ups tuwing umaga at paggawa halos lahat ng gawain sa bahay.
Siyempe, siguro nahulaan niyo agad ginawa ko. Hinimas ko ang katawan niya. Dahan-dahan. Napakasarap ng pakiramdam ng matigas at makinis niyang balat sa mga palad ko. Di pa ako nakuntento. Humilig pa ako sa dibdib niya at yumakap ako sa baywang niya.
Sa ganoong posisyon na ako nadalaw ng antok. Nakaidlip ako sa dibdib niya.
=================================================
Reminder:
!!!Not for reposting!!! Please? This is a personal story. Not fiction so please do not re-post as your own. Thank you.
Don't forget to follow.'
For suggestions or comments, please feel free to message me at 09213450145 or 09068151127. Thank you.
==================================================
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Bitin.Hehe...
ReplyDeleteAbangan ko update ulit.
ok lng atlist nga un mdyo maaga na nagkpagsulat ka ng krugtong
ReplyDelete